Wednesday, October 31, 2012

Kateri Francesca Alamo Zapanta ♥

Gandang babae 'di ba? Bestfriend ko yan! Naks. Haha. Tinatamad kasi ako sulatan din siya ng letter kaya ang ginawa ko, blinog ko na lang. Pangit din kasi penmanship ko. Haha! :D Nahiya naman kasi ako, nakatatlong letters na siya sa'kin tas ako isa lang! :)) Yung recoletter ko sa kanya. :3 Kaya ngayon, medyo babawi naman ako. Effort din maghanap ng pictures ha! XD So, ito na nga ipapakilala ko na siya. Obviously her name is Kateri Francesa Alamo Zapanta. Kace for short! Haha! :) Itong babaeng 'to, naging classmate ko lang siya last year. Paulit-ulit ko naman na 'tong nasabi sa kanya e. :)) At first, ayoko talaga siya maging classmate nun. Based sa mga naririnig ko, kesyo di daw maganda ugali, marami na daw nakaaway and so on and so forth. XD Kaya syempre, iwas naman ako. 

Hanggang sa dumating na yung 1st day of classes namin. Una, tinatabihan niya nun yung mga Chickas sa'min! Haha! XD Naging kaclose ko lang siya, bandang midpart na ng school year. Nakakasama na sa mga galaan, nakakausap na madalas.. Lumilipat pa nga yan ng upuan para makipagkwentuhan sa'min noon e. :)) And nakakatext ko na rin siya! Oha? 'Di ba ang galing? Parang noon lang, 'di ko alam kung anong tunay niyang ugali. Infairness pa,  nakapag-open ako agad sa kanya. :"> Madali siyang kausap, 'di ka nga maiilang e. Kasi magaling siya magbigay ng opinion niya and kinabiliban ko talaga dyan, ipaglalaban niya katwiran niya lalo na 'pag alam niyang siya ang tama! :> Idol ko yan e. ♥ Haha! :D Mas naging kaclose ko siya lalo nung Farewell Party na namin. Dun nabuo ang Mama'Chickas. Close ko silang lahat naman, 8 kami to be exact pero pinakamadalas kong nakakasama, si Kate and si Kateri. ;) 


So as you can see, yan po kami! Haha! Junior days namin yan. Checkers ang peg namin nung araw na yan. Finals na kasi kaya tinulungan namin si Popcdada magcheck ng papers. Bait namin 'no? :"> Kakaloka magcheck ng papers ha! Pero tignan nyo naman, nakuha pa namin magsmile & magpose. Lol. XD


Ito naman yung 1st ever letter ni Heartii saken. :') 4th Friendsary pa lang namin yan. Ngayon, 9 months na kami! Malapit na din mag-one year! Yeaaah! 26 e. ♥ Haha! :D Ma-effort nga kasi yan magsulat e. May 2 letters pa siyang nandito sa'kin e. Pero tinatamad kasi ako i-scan. Haha! Akin na lang yun. Basta, lagi namang nakaka-touch ang letter nyan saken e. :'p 


This was taken last September..Forgot the exact date! Haha! :D Basta nung nagcelebrate si Julia ng birthday niya nyan. :)


Ito naman, sa pagkakatanda ko, after CAT namin 'to. Tas ako babalik pang school kasi may ECHO-ICT Seminar kami nun. Siya, gagala na lang! Hahaha! :D

I'm super thankful na nakakilala ako ng tulad ni Kateri. :"> Drama? XD Pero, totoo nga. Dapat talaga, di muna jinujudge ang isang tao hangga't di pa siya kilala personally. Kagabi lang, nakapag-open na naman ako dyan! Wahaha! At ayun, may natutunan na naman ako. Before I end this, I would like to say na love na love ko yang babaeng yan! Protective sa'kin yan e. :"> Iyakin din! Haha! Pero, pareho lang naman yata kami? Haha. Alam namin kapag di good mood ang isa sa'min e. Bilis namin makiramdam! Haha! Ito na letter ko for you Heartii! Typewritten man, galing naman sa puso! ♥ I love you! To infinity and beyond. 


"Trust enough, but not too much."  
© Kateri 




No comments:

Post a Comment