Monday, December 31, 2012

Shift for 2013 :D

"Magkaro'n ka rin kasi ng konting lambing man lang d'yan sa katawan mo.. Kahit once a year man lang."

Yes I know, it was indeed my fault. Hindi kasi ako yung tipo ng taong showy sa feelings or masyadong ma-gratitude especially when it comes to my relatives. They know me as the most quiet in our family. Di ko lang naman kasi trip na makipagkwentuhan with them. Usually naman kasi ng itatanong nila sa'kin is about my life..particularly LOVE LIFE. As much as possible, hindi naman sa tinatago ko sa kanila but I think it's not yet the right time for me to tell them since ayaw din naman nila 'ko magkaboyfriend pa and maraming mata na nakasubaybay sa'kin. Sometimes, nasasabi ko na lang din sa sarili ko na alam ko na yung reasons ng teens today kung bakit mas gusto pa nila kasama ang friends nila kesa ang family nila. Pa'no naman kasi, to be honest, nakakasakal na din kasi sila kung minsan. May times din na they want to keep in touch with me pero ewan ko.. di ko lang talaga feel kapag andyan sila for me. I know na sila lang ang maaasahan ko once na magkaproblem ako na di ko maaasahan (siguro) ang friends ko pero sa ngayon ayoko lang talaga. I'm starting to have problems with them and I'm sorry for that. :(

This 2013, I hope na maging maganda na ang pakikisama ko sa relatives ko particularly with my Uncles & Aunties sa Father side. I grew up with my relatives on my Mother side and di naman ibig sabihin nun na kinalimutan ko na ang kalahating parte ng buhay ko. Walang mas matimbang sa kanila, pareho ko lang silang mahal. Ang akin lang naman, sana minsan maintindihan nila that teens want some space and break from people like them. Parang di kasi ako makahinga ng maayos kapag nandyan sila (not literally)


Bigger Goals. Higher Hopes. Changed Perspectives. Welcome, 2013! :)


No comments:

Post a Comment